Last Monday Feb 6, 2012 it was our group's turn to report what we have understood about the Philosophy of Time and Space, we must share our insight about the topic and share a part of our life that is significant in our report. First, we presented our video consisting numbers of people we have interviewed about the said topic. We, then, proceeded to explain the facts and realities of the time and space itself. After that, we share our insights and experiences one by one. I was the last one to share. This is exactly what I've shared in front of the class..
"Last week pa ko nag-iisip kung ano
ba ang masasabi ko at ma-iishare ko tungkol sa Philosophy of Time and Space. At
kanina lang may pumasok sa isip ko tngkol dito.
Ang ise-share ko ay about buhay
pag-ibig ko. Siguro kilala nyo naman sya diba?
Matagal na kami magkakilala, 2007
pa (first year hs kami), hindi ko alam kung paano kami nagkakilala. Pero 2010 lang kami nagkausap. Sa totoo lang, ako ang unang nagtext sakanya binigay nung kaibigan
ko yung number nya sakin. Tapos 'yun dun na nagsimula ang lahat. Simula nung
November 2, 2010 walang araw na hindi kami magkatext except lang kung walang
load. Siya ang bukambibig ko sa mga kaklase ko. At nung November 7 nagkita kami. At
dun nadin nagsimula ang araw-araw naming pagkikita. Feb 5, 2011 sinagot ko sya.
At mula nun we really got attached to each other. Nung una forbidden love pa
kami, pero nung 1st monthsary namin, legal na. Ang saya saya talaga
para bang lahat ng pangyayari ay umayon sa gusto ko. Ewan ko kung bakit yung
nmber nya ang napabigay sakin. At minsan
napapaisip ako pano pag hindi ko sya tinext? Magkakausap kaya kami? Hindi kaya tadhana
yun?
Sakto! 1st year
anniversary namin ng bf ko kahapon, Feb5. Isang taon na kaming magksama at
nagmamahalan. At sa 365 days na yun, sguro 300 days dun ay magksama kami.
Sobrang lamang talaga yung magkasama kami sa hindi. Ewan, siguro hindi lang
talaga namin kaya na hndi magkita, pero teka, hindi nga ba talaga namin kaya?
What if walang oras, malalaman ko
bang isang taon na kami at dapat maging masaya sa “anniversary” namin? Malamang
kung walang oras at walang hanggan ang pagsasama namin, baka parating
ipagpabukas na namin yung mga gusto naming gawin ngayon kasi nga we have all
the time, kumbaga “forever and ever and ever” pero meron ba talagang forever?
Tinanong ko si google kung ano ba
ang destiny, tadhana or fate? Sabi niya, it is a predetermined course of
events. It may be conceived as a predetermined future, whether in general or of
an individual. It is concept based on the belief that there is a fixed natural
order to the cosmos. Naisip ko na ako lang naman ang gagawa ng sarili kong
tadhana. Choice ko na tinext ko sya at choice ko din na maging boyfriend ko siya.
Dun sa tanong ko na hindi ba
talaga namin kaya na hindi magkita. Siguro kaya namin kung susubukan. Kasi life
is full of choices, chances, experiences and learning.
Kagaya nga nung sinabi ni Nikki,
hindi mo daw ma-a-appreciate ang buhay kung hndi mo iisiping mamatay ka. Parang sa
oras din, kung hindi ko iisipin na nauubos ang oras ko, hindi ako ma-a-appreciate ang bawat nangyayari sakin. That’s how it is, hindi mo maapreciate ang isang
bagay kung hndi mo iispin na mawawala yun. Na walang forever. Walang permament.
Lahat temporary.
Time has all the love, happiness,
freedom, and life and death. Napansin ko lang lahat ng nagreport mula group 1 hanggang group 4
lahat nabanggit nila yung acceptance. Pero hndi nila sinabi kung ano yung
kasunod na step pagkatapos ng acceptance. Kailangan daw tanggapin ang kabubuan
ng taong yun para matutunan mo syang mahalin, kailangang daw tanggapin lahat ng
pangyayari maging nakakalungkot man to o nakakatuwa para maging masaya,
kailangan daw tanggapin ang kagustuhan ng bawat taong nakapaligid sayo at sa
lipunang kinabibilangan mo para maging malaya ka, kailangan daw tanggapin na
may katapusan ang buhay para matutunan natin i-appreciate ang sarili nating
buhay. Pero pagkatapos mong tanggapin lahat ng yan, ano ng gagawin mo?
Today is the oldest I’ve ever
been and the youngest I will ever be again. Make the most of it."
(10th month)
Hope you've get something inspiring about this "share".
toodle-oo!
No comments:
Post a Comment